Thursday, March 3, 2011
SECOND CHANCE?
Sabi sa joke: “Tae ka ba? Kasi di kita matiis e!” :)
3rd day and I broke my own rule. I messaged him. Di ako nakatiis e :) Kahit anong pilit ko na wag kang isipin, dko magawa. Para kang convenience store na labas masok sa isipan ko 24 hrs.. ‘Di dapat nangyayari ‘to kung nagawa kong ipagtapat sayo ang totoong estado ng relasyon ko. Pero diko nagawa sa takot na iwanan moko, sa kabila ng lahat, alam kong alam mo kung gano ko binuhos ang pagmamahal ko sayo - Sobra sobra, sobra pa sa kaya kong ibigay bilang ako. Kung kaya kong ibigay lahat ng makakapgpasaya satin, dobleng buhos kong gagawin. Alam ko kasalanan ko, pero sana inisip mo rin na diko ginusto ang saktan ka, diko ginusto na paiyakin ka, kasi kung indi ako naniwala sa relasyon natin, sana nung mga unang buwang marupok pa ako, sana bumitiw na ako ng tuluyan. Kung indi kita mahal sa una palang sana hindi kita sinasaluhan pag break mo, sana hindi kita hinihintay para sabayang umuwi, hindi sana ako tumatahimik sa mrt hanggang sa north edsa kung saan free ka na kitang kausapin, sana indi ako masaya na ikaw ang nakasama kong manuod ng unang animated film ever na napanuod ko sa sinehan, sana di ako nababaliw pag indi mo ako tinitext, sana indi ako masaya habang nilulutuan kita ng itlog at hotdog sa agahan at sinigang na giniling sa gabi, sana d ako masaya bawat gabi na nkikita ka bago ka pumikit sa pagtulog at nakakasabay tumawa pagkagising ng umaga - Lahat ng ‘yan nangyari
kasi maligaya ako
kasi mahal kita,
kasi naniwala ako satin, sa LOVE na pinagako natin sa isat isa. Hindi ako bumitiw kasi nanjan ka para iparamdam saking TOTOO eto - totoo tayo at pareho tayong naniwala.
Oo, KASAL ako nung dumating ka sa buhay ko - un ang pinakamalking pagkakamali sa buhay ko. ‘Di ko kasi alam na darating ka sa buhay ko 1 year after. E di sana walang kasalang naganap. Masaya sana tayo pareho ngaun, sa tin sana umiikot ang mundo ngaun - satin ng bung buo.
Nung dumating ka sa buhay ko, namili ako at alam mo yan, ikaw ang pinili ko without saying na kasal ako, but I made a choice - IKAW lang at IKAW na sa buhay ko kaya inumpisahan kong ayusin ang annulment case ko para mas maiparamdam ko sayo how confident I am in our relationship.
4 years ang lumipas mahal na mahal parin natin ang isat isa kahit magkalayo tayo, in fact mas mahaba pa ang tayo’y magkalayo kesa naging magkasama physically pero indi naging hadlang un, sinikap nating magtiis kasi alam natin pareho na in the end, mas magiging masaya pa tayo - ansarap sanang maging ending sa love story natin ung line na ”and they live happily ever after”.
And then nalaman mo ang lahat about me, about my dark past, about my marriage -a marriage that I abandoned the first day that I said “I LOVE YOU TOO” sayo. Naduwag akong mag explain, natakot akong marinig kang umiiyak sa sobrang sakit kaya nagpalipas ako ng buwan, hanggang sa alam kong kaya na kitang harapin - handa na akong murahin mo at isumpa mo, handa akong tanggapin anuman ang sabihin mo - pero ang hindi ko napaghandaan ung sasabhin mong “MERON NA ‘Ko”. :(
Late na pala.
Dimo man lang ako binigyan ng chance na magpaliwanag. Pipilitin kong intindihin kasi kasi alam kong sobrang nasaktan kita.. Sana Binigyan mo pa ako ng chance na makabawi. Iniwan mo ko na umaasa pa, hindi ka tumupad sa promise mo na tayong dalawa lang. Beb, sana isa pang chance :’(.sana bigyan mo ako ng chance na bumawi sayo, sana wag mong ipagdamot na mahalin kita muli. ‘Di ko kc kayang magmahal pa ng iba, dko na alam kung pano mag uumpisa ng wala ka. Dko alam kung bakit ang kapal ng mukha kong humingi pa ng tym mo, naiinis ako kasi dina kita dapat iniistorbo pa, dapat masaya na ako na masaya ka na, dko alam kung tama pa’tong ginagawa ko - Pano ko malalamang mali kung ang tanging alam kong tama e ang mahalin kita.
Naisip ko madami naman siguro akong makikilala na katulad mo, pero naisip ko din na oo marami nga pero nag iisa ka lang na pwedeng makakaintindi, makakapag pakalma pag naha high blood ako, makapagtawa sakin when I’m worrying too much. Minahal kita hindi dahil kelangan kita, Kelangan kita kasi MAHAL KITA!
Habambuhay kong ihihingi ng sorry eto kasi alam ko sa puso ko na habam buhay ikaw lang ang mamahalin ko. Sana alam mong indi ko to ginusto, mahal na mahal kita, habang dumadaan ang araw lalong pinaparamdam ng lungkot ko na indi kita kayang mawala. Im so Sorry Beb!
Salamat because without you, I have’nt been able to realize that I can be able to love unconditionally and that I can able to love and care for someone more than myself. Salamat because at least once in my life I’ve experience the “greatest love” I will ever have and thank you for sharing that with me.
Sana lang bigyan mo pako ng chance na patunayan ang sarili ko sayo, gusto kong bumawi, patunayan sayong Ikaw lang ang mahal ko beb! Ikaw lang!
Ayaw kong sumuko kasi un ang tinuro mo sakin pag tinatanong mo ko ng “Suko Pa?” evrytime I’m about to give up… Sana ngayon sabihin mo naman saking…
“Kaya Pa!”….
***
originally posted on my tumbler account on 2/16/2011
Labels:
break-up,
can't move on,
love story,
second chance
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment